Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros, may pelikula na rin

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2020 01:24 PM | Updated as of Oct 22 2020 08:34 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Maliban sa telebisyon, magsasanib-puwersa rin sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros para sa isang bagong pelikula.

Ito ang kinumpirma ni Karla sa kanyang post sa Instagram nitong Lunes, Oktubre 19.

Ayon kay Karla, unang araw ng kanilang shooting para sa pelikulang may pamagat na "Soul Sisters."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on


 
Kinumpirma rin ni Melai ang proyektong pelikula sa Instagram Stories.

Watch more in iWantTFC


 
Noong 2018 pa nang ibahagi ni Karla ang planong paggawa ng pelikula kasama sina Jolina at Melai.

Samantala, nito ring Lunes, Oktubre 19, nagbalik na sa free TV ang "Magandang Buhay" sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.

Mapapanod na sa A2Z Channel 11 ang pang-umagang programa ng Kapamilya network mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10:30 ng umaga, bago ang "It's Showtime."

Nito lamang Abril sa gitna ng pandemya ay ipinagdiwang ng tatlong host ang ikaapat na taon ng kanilang programang “Magandang Buhay.”


 
Pansamantalang natigil ang "Magandang Buhay" noong Mayo matapos maglabas ng National Telecommunications Commission ng cease and desist order laban sa Kapamilya network.

Nitong Hulyo hanggang noong nakaraang buwan ay mga nakaraang episode ng "Magandang Buhay" ang ipinapalabas sa pamamagitan ng Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Nito lamang Setyembre 28 ay nagsimula na ang mga bagong episode ng "Magandang Buhay" sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

Nagsimulang umere noong Abril 18, 2016 ang "Magandang Umaga." 

 Related videos:

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.