Gretchen Barretto, bumuwelta sa paratang ng pamangkin na si Nicole Barretto

ABS-CBN News

Posted at Oct 20 2019 01:58 PM

MAYNILA -- Tila mas lumalalim pa ngayon ang bangayan sa pamilya Barretto matapos ang napabalitang pakikipagsagutan ng ilan sa mga pamangkin ni Gretchen Barretto sa burol ng kanyang namayapang ama na si Miguel Alvir Barretto.

Matatandaan na nauwi sa sagutan na umabot pa sa pisikalan ang naging komprontasyon ng pamilya sa pagdating ni Gretchen.

Sa mga ibinahaging Instagram story ni Gretchen, sinagot niya ang paratang ng kanyang pamangkin na si Nicole Barretto tungkol sa pang-aagaw umano nito sa kanyang dating nobyong si Atong Ang.

"I just want to inform you that I wasn't thrown to the States. I was there to move on from what Gretchen and Atong did to me. I'm stating the fact that my own aunt stole my boyfriend. The next travels to the States was for my education. Since I do have an education and finished a doctorate. Just so you know. Thank you po," pahayag ng pamangkin ni Greta na kanyang ibinahagi sa Instagram.

@gretchenbarretto IG story

"Oh, I'm sorry. I was told that Nicole stole Atong from her aunt Claudine," sagot naman ni Gretchen.

@gretchenbarretto IG story

Sinagot rin ni Gretchen ang depensa ng pamangkin tungkol sa naging sakitan sa burol ng ama. 

@gretchenbarretto IG story

"I did not attack her. She and her boyfriend attack my aunt and I carried her to the other side so that she won't hurt Tita Marj," bahagi ng pahayag ni Nicole.

"You wanted to to hurt me, not protect Marjorie. Don't fool yourself. You just gave birth and have a boyfriend and yet, hinahabol mo a(ang) cliente mong si Atong," buwelta ni Gretchen.

@gretchenbarretto IG story 

Bukod sa patuloy na batuhan ng maiinit na salita sa kanilang social meida account, pinag-aaralan rin ni Gretchen na sampahan ng kaso ang isa pang pamangkin na may bitbit umanong baril sa burol ng ama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.