Luis Manzano, inilabas ang trailer ng online show nila ni Long Mejia

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2020 03:03 PM | Updated as of Oct 15 2020 03:25 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA -- Inilabas na ni Luis Manzano ang trailer ng bagong online show na pagsasamahan nila ng komedyanteng si Long Mejia.

Magsasama ang dalawa sa inaabangang online show sa YouTube na may pamagat na "LuckyNg TuLong."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

"Ang inyong mga hinaing, utang, chismosa, nahuli si mister/misis, sinaktan ka sa pagibig... kahit ano pa!!! ating bibigyan ng solusyon! Ang inyong mga problema, aming pagtutulungang aaksyunan! Promise ‘yan. Naagrabyado ka ba? O feeling dehado? Email niyo kami sa luckytulong@gmail.com," pagbabahagi ni Manzano sa Instagram.

Matatandaang nito lamang Agosto nang unang ipaalam ni Manzano ang pagsasama nila ni Mejia sa isang proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

"Inaayos na namin vlog/online show namin. Eto na!! Sobrang kulitan to!!! Magiging show talaga 'to!" ani Luis sa caption ng kanyang dating post sa Instagram.

Nagkasama sina Manzano at Mejia sa "I Can See Your Voice" at "Minute To Win It."

Watch more in iWantTFC
Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.