Judy Ann Santos, handa na ba sa pagdadalaga ng anak na si Yohan?

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 03:40 PM | Updated as of Oct 15 2019 03:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Tila hindi pa handa ang aktres na si Judy Ann Santos sa pagdadalaga ng kanyang panganay na anak na si Yohan.

"Walang prom. Babagyo sa araw ng prom," pabirong sabi ni Juday sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay."

Inamin ng aktres na bilang isang ina unti-unti pa lang niya na tinatanggap ang pagdadalaga ni Yohan na 15 taon na ngayon.

"Hindi mo maiiwasan, lahat naman tayo dumaan diyan, di ba? And at the same time, mas kailangan lang na mas open lang kayo sa relationship, especially with your teenagers. Kasi iba talaga ang panahon ngayon, hindi siya kagaya dati na tayo, okay lang, di ba?" pahayag pa ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

Matatandaan na sa huling panayam sa aktres, sinabi niya na isa sa pwedeng hiling niya ay ang mas mahabang oras para sa kanyang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

"Ang wish ko na lang madagdagan pa ang linggo ng bawat buwan, para magawa ko ang lahat ng dapat kong gawin sa career ko, sa activities ng mga bata," pahayag ni Juday.

Sa ngayon, abala si Judy Ann sa kanyang pagbabalik-primetime sa "Starla."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.