Judy Ann, masaya sa tagumpay ng bagong seryeng 'Starla'

ABS-CBN News

Posted at Oct 14 2019 12:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann Santos sa lahat ng mga nanood at patuloy na sumusuporta sa pinakabago niyang serye na "Starla."

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Judy Ann ang kasiyahan sa mataas na rating na nakuha ng pinakabagong serye ng Kapamilya network.

"Thank you so much sa lahat nang nag-abang noong Monday. Ang taas ng ratings, ang daming naka-miss sa isang pambatang programa," ani Judy Ann.

"So I'm very happy to be part of this very, very beautiful teleserye," dagdag ng aktres.

Maliban sa mga manonood, ibinahagi ni Judy Ann na maging ang kanyang mga anak, partikular ang kanyang bunsong si Luna, ay natutuwa sa pinakabagong serye.

"Mas aliw sila kay Starla. ...Ako nga cute na cute ako kay Starla eh," ani Judy Ann patungkol sa bidang wishing star ng serye na ginagampanan ni Jana Agoncillo.

"Hindi ko lang na-video pero noong Tuesday after ng 'Starla,' mayroon siyang star dito (sa noo), siya raw si Starla. So medyo naa-appreciate na niya ang animation," ani Judy Ann na ginagampanan ang karakter ni Teresa Dichavez, isang bida-konrtabida sa sikat na serye.

Mapapanood ang "Starla" gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."