Marian Rivera, Heart Evangelista, nais makasama ni Judy Ann Santos sa proyekto

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2019 04:49 PM

MAYNILA -- Hindi isinasara ng Kapamilya primetime queen na si Judy Ann Santos ang posibilidad na makasama niya sa isang proyekto ang mga bituin na si Marian Rivera at Heart Evangelista.

Sa isang panayam kay Juday, inamin ng aktres na humanga siya sa naging collaboration nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" kahit na magkaiba ang kanilang home network.

 

"It should be always a healthy competition," tugon ng aktres sa panayam. "It's a nice start na (nagsama sa) movie na sila Kathryn [Bernardo] at Alden [Richards], Maine [Mendoza] at Carlo [Aquino]. Sana mas lumawak pa, para makaranas pa ng ibang klaseng experiences yung mga tao na nanonood."

At kung mabibigyan ng pagkakataon, nais din ni Judy Ann na makasama ang ilan sa mga bituin ng GMA 7. "Nakasama ko na si Dingdong [Dantes], nakasama ko na si Dennis [Trillo]. Maaring si Marian at Heart. Kasi nakasama ko na 'yung mga leading men ng GMA," ani Juday.

Matatandaan na kamakailan lang, nagpahayag rin ng kanyang intensyon si Juday na makasama sa isang proyekto si Claudine Barretto na matagal nang hiling ng kanilang mga fans.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.