Judy Ann Santos, may hiling kay 'Starla'

ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 07:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- "Sana dalawa ako."

Tila wala nang iba pang mahihilin ang aktres na si Judy Ann Santos na nagbabalik-primetime para sa pagsisimula ng "Starla" ngayong Lunes.

Kuwento ni Juday, kulang na kulang ang kanyang oras para mabigyan ng sapat na panahon ang kanyang lumalaking mga anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

"Parang 'pag nag-wish pa ako ng iba pa, sobra na," ani Judy Ann sa panayam.

"Ang wish ko na lang, madagdagan pa ang linggo ng bawat buwan, para magawa ko ang lahat ng dapat kong gawin sa career ko, sa activities ng mga bata," sabi ng aktres.

Sa kanyang pagbabalik-telebisyon ramdam agad ng aktres ang limitadong panahon para sa kanyang mga anak.

"Alam ko na ang iwi-wish ko, sana dalawa ako para 'yung isa naiiwan lang sa bahay," aniya.

"Ang hirap kasi talaga umalis ng bahay lalo na 'pag may trabaho ka, tapos andoon ang mga bata. Lalo na 'pag weekend, dun lang kayo nagkikita, so parang struggle talaga siya," paliwanag pa ng aktres.

Malaki rin ang pasasalamat ni Judy Ann sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo na umaalalay sa pagtingin sa kanilang tatlong anak.

"I appreciate my husband so much kasi 'yung support and 'yung pag-intindi niya sa nangyayari na dire-direchong trabaho ko ngayon, ibang klase rin naman."

Bukod kay Judy Ann, bahagi rin ng "Starla" sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Janna Agoncillo at Enzo Pelojero na mapapanood pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.