Sam Concepcion nagtuturo ng acting sa mga bata

ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2020 12:56 PM | Updated as of Sep 20 2020 01:47 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by sam_concepcion (@sam_concepcion) on

MAYNILA — Dahil limitado ang mga proyekto ngayong panahon ng pandemya, kaniya-kaniyang diskarte ngayon ang mga artista para makahanap ng ibang mapagkakakitaan o mapagkakaabalahan.

Isa rito ang singer-actor na si Sam Concepcion, na sinusubukan umanong magturo ng acting o pag-arte sa mga bata online.

"There’s one thing that’s kind of different that I am trying out. I’m teaching kids acting," sabi ni Concepcion sa isang virtual press conference.

"Everything’s done online. That’s a different thing that I had to go back to and relearn how to teach acting," dagdag niya.

Bagaman nag-umpisa sa show business bilang mang-aawit, umaarte rin si Concepcion, na napiling bumida sa isang fantasy series ng HBO Asia.

Ayon kay Concepcion, naantala ang shooting ng serye dahil sa COVID-19 pandemic.

Aminado naman si Concepcion na nahirapan siya ngayong panahon ng pandemya dahil ngayon lang umano siya napirmi sa bahay.

"I was always out of the house. I was always working. I was always at taping or going out. So being alone was a completely foreign idea to me," aniya.

"But it really gave me a lot of time to reflect and think about the stuff that I could be better at, what I could work on, or how I could shine a light on the things that I do," dagdag ni Concepcion.

Isa si Concepcion sa 2 Filipino singer — iyong isa'y si Iñigo Pascual — na kumanta ng "Rise," kasama ang mga mang-aawit mula sa ibang mga bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.