'A new journey from home!': Julia Montes, nagbabalik-eskuwela na

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2020 02:47 PM | Updated as of Sep 19 2020 11:32 PM

MAYNILA - Inanunsiyo ng aktres na si Julia Montes na nag-enroll na siya sa isang eskuwelahan ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Sa isang Instagram post gabi ng Biyernes, sinabi ni Montes na kamakailan ay nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges sa gitna ng pandemya. 

Hindi naman idinetalye ni Montes, 25 anyos, kung anong programa ang kinuha niya. 

"This is how I turn a crisis into an opportunity, doing things I've always wanted now that I have the luxury of time," ani Montes sa kaniyang post. 

Maaalala na noong 2015 ay nagtapos sa kursong culinary arts ang 24/7 star. 

Blended learning - o halong offline at online learning methods - ang ipinapatupad ngayong may pandemya at suspendido ang face-to-face learning sa mga paaralan. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.