Juday sabik na sa pagbabalik-teleserye matapos ang 6 taon

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 08:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Matapos ang 6 na taon, nagbabalik sa telebisyon ang "reyna ng teleserye" na si Judy Ann Santos para sa isang family fantasy drama na pinamagatang "Starla." 

Sa teleserye, gaganap si Santos bilang kontrabidang abogado. 

Tugma pa raw ito ngayong Christmas season dahil may mga paksa ito tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal sa kapuwa at pamilya.

"It’s so timely, it's about stars, it's Christmas… the star is about hope, forgiveness, about your faith," ani Santos. 

"I want to make a teleserye that my children could watch," ani Santos, na may 3 anak. 

Sabik din si Santos sa pagganap niya bilang kontrabidang abogado. 

"First time ko in my whole life in being an actress na mag-start ng teleserye na mayaman na ako... Kasi kapag api-apihan ka, nakatungo ka lang. Pag kontrabida taas noo ka,” ani Santos. 

Career high din ang turing ni Santos na mapabilang ang Brilliante Mendoza film niyang "Mindanao" sa 24th Busan International Film Festival ngayong Oktubre sa Korea. 

Sa dami naman ng biyaya, pinasusubasta ni Santos ang 2 niyang designer gowns para sa Bantay Bata, sa pamamagitan ng isang auction. 

Mapupunta sa Bantay Edukasyon program ang lahat ng kikitain sa auction. 

Sa Oktubre inaasahan ang pag-ere ang "Starla."

--Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.