Angel Locsin, may update sa nalalapit na kasal kay Neil Arce

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2019 04:04 PM | Updated as of Sep 16 2019 04:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kahit na abala ngayon sa "The General's Daughter," plantsado na raw ngayon ang ilan sa mga detalye para sa nalalapit na kasal ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang nobyo na si Neil Arce.

Sa naging panayam ng press kay Angel sa naganap na Sine Sandaan, ikunuwento ng aktres na nagugulat raw ang kanilang wedding planner sa mabilis na pag-usad ng kanilang mga plano ni Neil para sa kanilang kasal.

"Nag-stop muna kami kasi masyado ata kaming advanced. Sabi ng wedding planner namin, kami lang daw 'yung ganitong kabilis kumilos. Siguro alam lang namin kung ano ang gusto namin," ani Angel.

Dahil sa mga maaksyong eksena sa "The General's Daughter," mas pinili muna raw ngayon ni Angel na tutukan muna ang kanilang programa.

"Relax lang muna. Maybe after 'The General's Daughter' mas matututukan ko pa siya, pero sa ngayon wala pang changes sa mga ideas," sabi pa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

At kung tatanungin din kung gaganapin ba sa Pilipinas ang kanilang kasal ayon kay Angel: "Honestly, hindi namin masabi, malalaman niyo na lang siguro."

Hindi man ibinahagi ang eksaktong petsa ng kanilang kasal, ayon kay Angel sa susunod na taon ang kanilang planong taon ng pag-iisang dibdib.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.