Toni Gonzaga, kumuha ng klase sa Harvard

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2019 05:38 PM

MAYNILA -- Sa kabila ng kanyang busy schedule sa showbiz, bagong journey ngayon ang haharapin ng Kapamilya host na si Toni Gonzaga bilang isang estudyante.

Sa mga ibinahaging Instagram story ni Toni, abala niyang pinaghahandaan ngayon ang kanyang klase sa marketing sa Harvard University sa Amerika.

 

 

 

 

 

 

 

 

Kasama ng Kapamilya host ang kanyang mister na si Paul Soriano at anak na si Seve sa Amerika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.