Xian, ibinahagi kung paano niya sinimulan ang pagiging direktor

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 11:41 AM

Watch more in iWantTFC

MANILA -- Masayang ibinahagi ni Xian Lim ang kanyang bagong journey bilang isang indie movie direktor.

Sa 2019, ang konsepto ni Xian na "Tabon" ay isa sa mga opisyal na kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival kung saan magtatrabaho siya sa likod ng camera.

Kuwento ni Xian sa naging panayam sa kanya ng entertainment press, hindi naging imposible ang kanyang pangarap sa tulong ng mga taong tumulong sa kanya.

“It started back in 2008 pa, actually ang pinakauna kong pelikula was with Cinemalaya pa ['Two Funerals'] with direk Gil Portes pa. ... I was asking people, sabi ko, ‘Paano po ba maging isang filmmaker? Paano po maging isang writer? Paano po maging part ng production?’" ani Xian.

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Mula sa kanyang curiosity noon nagsimula si Xian na buuin ang kanyang pangarap bilang isang ganap na filmmaker.

“Sabi nila, ‘Maybe you have to figure out why you are doing this? Bakit ka nga ba nasa industriya?’ From there I think tinatrabaho ko na,” ani Xian.

“Fast forward tayo ng kaunti couple of years later, nakita ko si sir Ricky Lee, then I asked him kung pwede ba ako makapasok sa (seminars) kasi I know he conducts scriptwriting workshops. Sabi ko, ‘Gusto ko po kasing makapasok sa batch’ then he told me na sasabihan niya ako,” ani Xian.

Ayon pa sa actor-turned-director, tila naging daan ang seminars para tuluyan niyang mahalin ang kanyang bagong karera.

“I just fell in love right after the first weeks with seminar tapos naisip ko para sa akin to i-pursue ko ito, then I went to the process, write the script then present my story which is an amazing feeling and nothing beats that feeling sobra,” aniya.