Robin Padilla, may mensahe sa kaarawan ng misis na si Mariel Rodriguez

ABS-CBN News

Posted at Aug 10 2020 12:52 PM

MAYNILA -- "Kumikinang ka sa iyong pagiging mabuting asawa at ina." 

Ganito inilarawan ni Robin Padilla ang misis na si Mariel Padilla na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong Lunes, Agosto 10.

Sa Instagram, ibinahagi ni Robin ang papuri kay Mariel, na aniya ay hindi nagbago mula noong una silang nagkita.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

"Maligayang araw ng kapanganakan sa iyo my babe. Isang taon na naman ang nakalipas at ang lahat ay nagsasabi na isang dekada ka na sa akin pero ako lang ang hindi nakapansin ng haba ng ating pagsasama sa iyong itsura sapagkat magmula nong una natin na pagkikita hanggang sa oras na ito ay 26 pa rin ang tingin ko sa iyo," ani Robin.

"Walang nagbago kundi lalo pang gumanda dahil kumikinang ka sa iyong pagiging mabuting asawa at ina," dagdag ng aktor. 

Sa Agosto 19 ay ipagdiriwang nina Robin at Mariel ang ika-10 taon nila bilang mag-asawa. Ikinasal ang dalawa sa India noong 2010.

Dalawa na ang anak nina Robin at Mariel na nagsimulang magkaibigan sa programa noon ng ABS-CBN na "Wowowee."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.