'Taga-isla lang': Andi Eigenmann, may bwelta sa mga namimintas sa nobyo

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 02:57 PM | Updated as of Aug 07 2020 01:02 AM

MANILA -- Nagbigay ng kanyang reaksiyon ang aktres na si Andi Eigenmann sa mga tumutuligsa ng kanyang nobyo na si Philmar Alipayo dahil sa pagiging probinsiyano nito.

Sa pinakabagong vlog nina Andi at Philmar kung saan paksa ang tungkol sa kanilang relasyon, naging bukas ang dalawa tungkol sa pangmamaliit kay Philmar ng ibang tao nang sagutin nila ang tanong kung mahirap ba ang magkaroon ng asawang celebrity.

Watch more in iWant or TFC.tv

"At first (mahirap) because people will come to me, bashing me," pag-amin ni Philmar.

“Parang bakit 'yung Pilipino sa tingin nila 'yung itsura ng Pilipino pangit, like my partner’s maitim. Hello that’s so nice tan. You have a nice skin,” paunang hirit naman ni Andi.

"Walang taong pangit, ang pangit lang is 'yung ugali," dagdag naman ni Philmar.

Pag-amin ni Andi, hindi niya akalain na may pupuna sa kanyang nobyo dahil lang probinsiyano ito.

"I didn't expect that, because of me, people would be saying bad or mean or negative things to Philmar, just because of his skin color and also because he's from the province," ani Andi.

Dagdag na kuwento ni Andi: "He said to me before when we we're still dating, sabi niya, ‘People don’t like us to be together kasi taga-isla lang ako.’ He said that to me, oh my God! I said to him, 'Taga-isla ka lang? Don’t ever say that that’s a ‘lang' because to me, you guys are the richest people on earth, to be surrounded by such beauty, nature, and living in paradise like this.' That's why I feel so lucky,” ani Andi.

Ani Andi, umaasa siya na mawawala na ang paniniwala ng ilan na kung taga-probinsiya ka ay hindi matagumpay o maayos ang buhay mo at hindi ka masaya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.