Hindi dahil kay Kuya Germs: Mayor Isko, bakit nga ba 'Moreno' ang gamit na apelyido

ABS-CBN News

Posted at Jul 29 2019 07:11 PM

MANILA -- Para sa mga nakasubaybay sa kaniyang karera, madalas na iniisip na ang screen name ni Mayor Isko Moreno ay hango sa pangalan ni Kuya Germs.

Pero paliwanag ni Mayor Isko, apelyido ng kaniyang ina ang Moreno, at nagkataon lamang na kapareho ito ng pangalan ng sikat na host ng "That's Entertainment" na si German Moreno.

"Francisco Moreno Domagoso, sa mother," ani Mayor Isko sa panayam sa DZMM.

Manila Mayor Isko Moreno Domagoso shows a barista’s note in his cup of coffee during a press conference at the Manila City Hall on July 29, 2019. George Calvelo, ABS-CBN News

Bago pa man sumabak sa politika, kilala na si Mayor Isko bilang bahagi ng "That's Entertainment." 

Taong 1998 nang unang sumabak si Isko sa pulitika bilang konsehal ng Maynila.

Naging bise alkalde din siya ng siyudad, bago nahalal bilang alkalde ng Maynila noong Mayo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.