Bagong 'Darna' na si Jane de Leon, milyonaryo na sa Instagram followers

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 09:10 AM | Updated as of Jul 22 2019 09:14 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Umabot na sa isang milyon ang followers ng bagong Darna na si Jane de Leon sa Instagram.

Sa kanyang post, nagpasalamat si Jane sa kanyang followers na patuloy na sumusuporta sa kanya. 

"HIT 1 MILLION! PAYAKAP PO!Maraming Salamat sa pagmamahal at suportang binigay niyo po sakin. MAHAL KO PO KAYO!" ani Jane sa caption.

Nung nakaraang linggo, inanunsyo na si Jane ang gaganap na Darna. 

Hindi makapagsalita at halos hindi makatayo sa kaniyang kinauupuan ang aktres na si Jane de Leon matapos ianunsiyo ng ABS-CBN executives na siya ang napiling gumanap bilang Darna ng bagong henerasyon.

Sa video na kuha noong Hunyo 15, inakala pa ni De Leon na callback lamang ang meeting na kaniyang pinuntahan kasama ang sari-saring ehekutibo ng network at ng Darna director na si Jerrold Tarog.

Sa halos 300 nag-audition, si De Leon ang napiling bagong Darna kapalit ng mga aktres na sina Angel Locsin at Liza Soberano.

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 22, 2019