Alessandra de Rossi at Paolo Contis, nagpasalamat sa tagumpay ng 'Through Night and Day' sa Netflix

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 11:56 AM

MAYNILA -- Ibinahagi ni Alessandra de Rossi ang saya sa mainit na pagtanggap ng mga netizen sa pelikula nila ni Paolo Contis na "Through Night and Day" na nanatiling trending sa Netflix Philippines.

Sa Twitter, naging sunod-sunod ang pasasalamat ni Alessandra sa mga nakapanood at nagsabi kung gaano kaganda ang pelikula.

"Ay, taray. Never ako nag Top 1 nung elementary. Ito na yata 'yun," ani Alessandra sa Twitter.

"Walang hanggang pasasalamat sa lahat ng nagrer-ecommend at nagpro-promote. Kasi mag-isa lang akong nag-promote n'yan noon. 'Di ko naman kaya 'yun. Ano? Superstar? Char.Thank you ulit, my heart is melting. Thank you for watching," dagdag ni Alessandra.

Ayon kay Alessandra, totoong ang lahat ay nagaganap sa tamang panahon.

"Sabi ni God, sa quarantine kita ilalabas. When everyone needs pure love and understanding. Tama sya," ani Alessandra.

Dahil sa pagkilalang natatanggap, nagbigay-pugay at pasasalamat si Alessandra sa nagsulat ng pelikula na si Noreen Capili.

"Magaling kang writer, nararapat na ikaw na lang sumulat. At di ako nagkamali ng pinili because you know my heart," ani Alessandra.

Samantala, sa Instagram ay nagpasalamat din si Paolo sa mga nakapanood at manonood pa ng pelikula nila ni Alessandra.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Sa direksiyon ni Veronica Velasco, unang ipinalabas sa sinehan ang "Through Night and Day" noong 2018.

Basahin ang review ng pelikula dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.