Sharon, ibinahagi ang resulta ng kanyang pagbabawas ng timbang

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Proud na ibinahagi ni Sharon Cuneta ang resulta ng kanyang weight-loss journey.

'Dreams come true,' ang naging pahayag ni Sharon sa kanyang post sa Instagram na nagpapakita ng kanyang before-and-after photos mula 2013 at 2019.

Marami ang bumilib kay Sharon kabilang na ang ilang kasama sa showbiz.

Taong 2018, ginulat rin ni Sharon ang kanyang fans ng kanyang ipakita ang slimmer figure pagkatapos simulan ang pagpapapayat noong 2016.

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.