PANOORIN: Martin Nievera nag-alay ng kanta para sa mga Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2020 03:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naghandog ng madamdaming pag-awit ngayong Linggo sa "ASAP" si Martin Nievera para sa mga empleyado, manonood at tagasuporta ng Kapamilya network.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagdinig ng Kamara para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Inawit ng Concert King ang kantang "Smile" na pinasikat ng American singer na si Nat King Cole.

"All the cameramen, the director, the writers, the production people, the dancers, and all the singers, actors - anyone who's anything in this station, we are one family. Kapamilya forever," ani Nievera bago kumanta.

"To my Kapamilya, no matter what happens, I personally am behind you 110 percent," aniya.

Noong Mayo 5, itinigil ng ABS-CBN ang broadcast nito sa telebisyon at radyo matapos silbihan ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission kasunod ng pag-expire ng 25-year franchise nito. Napaso ang prangkisa ng kumpanya noong Mayo 4.

Noong nakaraang linggo, muling naglabas ang NTC ng cease-and-desist order para ipatigil ang digital broadcast ng ABS-CBN sa TVplus boxes sa Metro Manila, at ang direct-to-home satellite broadcast ng Sky Cable.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.