Ibang level! Matty ng 'Idol PH,' pinatunayang tunay na fan siya ni Toni Gonzaga

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2019 12:36 PM | Updated as of Jul 03 2019 12:47 PM

MANILA -- Matapos ang kanyang laban sa "Idol Philippines" bilang isa sa Top 12, pinatunayan ni Matty Juniosa na isa siyang masugid na tagahanga ng aktres at host na si Toni Gonzaga at kapatid nitong si Alex.

Sa naging pagbisita ni Matty sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Martes, ginaya ni Matty ang linya ni Toni sa sikat na pelikula na "Four Sisters and a Wedding" na ipinalabas noong 2013.

"Memorized ko 'yan. Actually the reason why I memorized it kasi more than 20 times ko na po siyang napanood. Sinusulat ko rin po ang dialogue at kaya ko pong i-play lahat ng roles," ani Matty.

Narito ang nakakaaliw na panggaya ni Matty, 'di lang sa karakter ni Toni kung hindi sa iba pang mga karakter sa "Four Sisters and a Wedding."

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.