Sam Milby umamin sa relasyon nila ni Catriona Gray

ABS-CBN News

Posted at May 24 2020 04:39 PM

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pag-amin ni Sam Milby sa real score sa pagitan nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa kaniyang kaarawan noong Sabado, nag-post sa Instagram at Twitter ang 36-anyos na aktor ng retrato nila ng 26-anyos na beauty queen, na may kasamang sweet na caption.

Ayon kay Milby, mistulang regalo para sa kaniyang birthday ang matagal na paghihintay kay Gray.

"Worth every second of the wait. Most special birthday yet," ani Milby sa caption.

Noong Biyernes, kinilig din ang aktor sa birthday greeting ni Gray sa kaniya.

"Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many," sabi ni Gray kay Milby.

Tikom man si Gray sa post ni Milby, todo-suporta naman sa kanila ang mga kaibigan sa show business, gaya ni Moira dela Torre na boto raw kay Gray para sa intuturing niyang kuya sa industriya.

TULONG SA STAFF SA LIKOD NG CAMERA

Samantala, patuloy rin ang pagmamalasakit ng Kapamilya stars para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Kasama rito snia Zanjoe Marudo, Daniel Padilla, at Joshua Garcia na nag-guest sa ika-10 episode ng "Actor's Cue," kasama ni direk Adolfo Alix Jr.

Layon ng programa na makatulong sa mga staff sa likod ng camera.

Ilan sa mga naging paksa ang kani-kanilang mga karanasan sa pag-arte at mga hamon na kinakaharap ngayon sa pagiging artista.

Tuloy-tuloy ang donasyon para sa programa. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.