Joshua Garcia, umaasang matatapos pa ang 2 pelikulang nahinto dahil sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 20 2020 02:16 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

MAYNILA — Umaasa si Joshua Garcia na pagkatapos ng lockdown ay matapos na niya ang dalawang pelikulang nasimulan na niyang gawin.

“Actually bago mangyari 'yung quarantine may ginagawa akong dalawang movie na hindi pa namin natatapos. Pero hopefully pagkatapos ng lahat ng ito ay matapos namin ‘yon,” ani Joshua sa online show na “Rise and Shine” nitong Miyerkoles kung saan nakasamang host ni DJ Jhai Ho sina Kaori Oinuma, Anthony Jennings at Vivoree Esclito.

Isa dito ang film adaptation ng libro ni Bob Ong na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan,” kung saan gagampanan ni Joshua ang pangunahing karakter na si Galo.’

Ang isa naman ay “Keys to the Heart” na Pinoy adaptation ng isang Korean movie.

Sa ngayon ay nasa Maynila si Joshua kasama ang kanyang pamilya.

Pag-amin ni Joshua, hinahanap-hanap na niya ang pagtatrabaho at ang mga kasamahan sa industriya.

“Actually nami-miss ko na ang trabaho ko. Nami-miss ko na ‘yung mga kasama ko sa trabaho, ang mga kaibigan ko. Miss ko na ang mag-mall. Miss ko na ang magtrabaho ‘yon. Pero wala kang magagawa. At least ngayon may Zoom, nakakausap natin ‘yung mga kaibigan natin,” aniya.

Ani Joshua, ngayong panahon ng lockdown ay napag-isipan niya ang mga bagay na dapat niyang gawin at iwasan para mapagbuti pa ang sarili.

“Ang realizations ko ay more sa sarili ko, mas sa akin. Ang dami kong na-realize sa sarili ko na kailangan ko pang trabahuin. May mga kailangan akong i-improve, may kailangan akoing itigil para maalagaan ‘yung sarili ko pa. Mas pagpapahalaga sa sarili lalo na ngayon na ang daming virus,” ani Joshua.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.