Karla Estrada, inalala ang tagpong nagpabago sa kanyang buhay

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 02:05 PM

MAYNILA — Sa Bibliya hango ang pangalan ng aktor na si Daniel Padilla.

Ito at iba pang mga kuwento tungkol sa kanyang panganay na anak ang binalikan ni Karla Estrada sa “Holy Week Recollection with Fr. Tito Caluag” ng DZMM ngayong Biyernes.

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa "Magandang Buhay" host, ang pagbubuntis kay Daniel ang maituturing niyang pinakamalaking pangyayari na nagpabago sa kanyang buhay.

“Ang turning point ko noong ako ay unang nabuntis kay Daniel. Noong araw, noong oras na nalaman ko na ako ay buntis, talagang iniyak ko 'yon ng todo. Kasi ako ang bumubuhay sa buong pamilya. Kakabago ko lang na artista, kakaangat-angat lang nung karera, tapos nalaman ko na buntis ako. So talagang sabi ko, ‘Lord, hindi ko kakayanin, kaya kayo po ang magbigay sa akin ng wisdom o bigyan niyo ako ng sign kung ako ba ay karapat-dapat na maging nanay.’ After noong napakabigat na prayer na 'yon, I was crying, I was asking for forgiveness because I disobeyed, hindi ba? Sobra akong nag-disobey sa will Niya. That was my turning point. After crying sinabi Niyang ituloy mo ang bata na ‘yan at ‘yan ang magsasalba sa pagkatao at buhay mo,” ani Karla na hindi napigilang maging emosyonal. 

“Sa sumunod na mga anak na-appreciate ko na, na ito talaga ay lahat blessing na galing sa itaas. The turning point lang nung pinaka-down ko was when I found out na buntis ako kay Daniel. Pero paglabas na paglabas ko ng kuwarto na sobrang iyak na talagang ‘Lord, ano po ang gagawin ko?’ Kasi grabe parang bigla akong na-lost, parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero pagkatapos na pagkatapos kong magdasal ang linaw ng mensahe, ‘Ituloy mo ang bata na 'yan, ibinigay Ko 'yan sa iyo.’ Pagkatapos noon ay labas ako, kinausap ko ang nanay ko, everything naging smooth lahat,” ani Karla.

Ayon kay Karla, para maayos ang kanyang pagbubuntis ay pansamantala muna siyang nagtago sa mga reporter. 

Sa siyam na buwan niyang pagbubuntis kay Daniel, kahit minsan ay hindi niya naisip kung ano ang ipapangalan hanggang sa araw na maipanganak niya ito.

“The first time I saw my son, wala akong naisip sa siyam na buwan kung ano ang pangalan niya. Pero paggising na paggising ko sa ospital, mayroong Bible. Madalas ang ospital sa tabi ng bed, di ba may mesa at Bible. So binuksan ko ang Bible, binabasa ko ang mga pangalan. I chose Daniel and then John kaya siya DJ, Daniel John. Doon ko mismo nakuha ang name,” ani Karla.

“Si Daniel (sa Bibliya) hindi siya nilapa ng lions dahil sa kanyang faith kay God and, of course, John the Baptist.’ So sabi ko, okay ito na,” dagdag ni Karla.

Naniniwala ang aktres na may misyon para sa kanya ang anak na aktor. “After noon nabalewala lahat ang mga iniisip ko,” ani Karla.

Sang-ayon naman si Fr. Caluag na walang aksidente sa plano ng Diyos.

“Naniniwala ako na there’s no accident in God’s plan. Everything is accordig to God’s plan,” ani Fr. Caluag.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.