Jinkee Pacquiao, tinuruan ang mga anak kung paano maglaba

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2020 01:28 PM

MAYNILA — Ang pagturo sa mga gawaing bahay ang pinagkakaabalahan ni boxing champion Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee ngayong naka-quarantine.

Sa Instagram nitong Huwebes, ibinahagi ni Jinkee ang mga retrato kung saan kitang tinuturuan nila ng kanyang asawang si Manny ang kanilang mga anak na babae sina Mary Divine at Queenie kung paano maglaba gamit lamang ang mga kamay.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Ayon kay Jinkee, masaya siya na gusto rin ng kanyang mga anak na matuto.

“Habang naka-quarantine, tinuruan namin ang mga girls kung paano maglaba! Happy ako sa mga anak ko dahil masunurin sila at gusto rin nilang matutunan ang paglalaba. Abangan nyo po sa YouTube channel ko ang video,” ani Jinkee.

Maliban sa dalawang babae, may tatlo pang mga lalaking anak sina Manny at Jinkee.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.