Seth Fedelin, may payo sa kabataan ngayong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 02 2020 02:51 PM

MAYNILA — Nagbigay ng kanyang payo sa kabataan ang “Pinoy Big Brother: Otso“ housemate na si Seth Fedelin kung paano malalabanan ang sakit na COVID-19.

Sa “Pinoy Big Brother: Balikbahay Stay at Home Edition,” naging seryoso si Seth nang ibahagi niya kay Kuya ang kanyang saloobin sa nangyayaring krisis sa bansa at maging sa buong mundo dahil sa pandemikong sakit.

“Ang masasabi ko lang sa lahat ng kapamilya natin diyan, lalo na sa kabataang Pinoy po, napapansin ko po kasi, napagdaanan ko rin yon, kasi ako binata, gusto nila sa labas, gusto nila kasama ang kabarkada nila. Kasi ako hindi rin kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakalabas ng bahay. Ang masasabi ko sa kanila ay magtiis muna tayo. Magtiis lang kasi isipin natin na hindi natin ginagawa ito para sa sarili lang natin kung hindi para sa nakararami. Biruin mo isang tao lang ang magkaroon noon ay grabe nang magpakalat, grabe na 'yung spread ng virus na dala niya. Kaya ano na rin, safety sa sarili mo at safety sa iba,” ani Seth.

Dagdag ng batang aktor, kailangan ding manatiling positibo sa gitna ng pagsubok dahil lilipas din ito.
 
“Huwag panghinaan ng loob kasi dadaan lang ito, pagsubok lang ito,” giit ni Seth.

Samantala, una nang nagbigay si Kuya sa dati niyang housemate ng mga bagay na maaring gawin para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Narito ang muling naging pag-uusap ni Seth at Big Brother:

Watch more in iWant or TFC.tv

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.