'From XXL to almost large': Melissa Ricks ibinahagi ang kaniyang fitness journey

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2020 07:22 PM | Updated as of Mar 07 2020 11:36 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Melissa Ricks (@mellyricks09) on

MAYNILA - Tinawag na "self-love" ng aktres na si Melissa Ricks ang kaniyang journey sa pagbabawas ng timbang.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Ricks na proud siyang nabawasan ang kaniyang timbang nang katumbas ng 2 shirt sizes. 

Mula kasi aniya sa XXL ay malapit na sa large ang shirt size ng aktres.

"Sometimes I fall off track but I try again. Self love is tricky sometimes, it's [a] struggle, it's a process, it's a journey. I'm still far from my goal but I feel great," ani Ricks. 

Kombinasyon daw ito ng proper diet at pag-exercise. 

"Of course, proper diet and exercise is key, but it's also good to see what works for us, what helps and aids in out weigh tloss, helps gain back our confidence and gives us that boost of encouragement when we visible results," aniya. 

Sa pagbabahagi niya ng kaniyang fitness journey, layon umano ni Ricks na makatulong sa mga kababaihan na mabigyan sila ng kumpiyansa sa sarili. 

Nagpasalamat din siya sa mga nagpaabot ng kanilang mensahe. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.