Matteo nagbigay-saloobin sa pagpapakasal kay Sarah

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 08:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa unang pagkakataon, nagsalita na si Matteo Guidicelli tungkol sa kaniyang kasal kay Sarah Geronimo kasunod ng kanilang secret wedding noong nakaraang linggo. 

Sinabi ni Guidicelli na iba ang saya na hatid ng pagpapakasal niya kay Sarah. 

"I just got married, it's our sixth day together, it's my first event, it's the best days of our lives... Best times, we are all blessed. Everything is the same, I just have someone beside me all the time, kumbaga... Everything is better," ani Guidicelli. 

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Guidicelli,
nagpasalamat din siya sa suporta ng mga tao sa social media. 

"It's the best, the biggest blessing of our lives. We're very happy and thankful for the public, the people social media for all the good wishes and congratulatory notes," ani Guidicelli. 

Maaalalang nauwi sa gulo ang kasal ng dalawa nang dumating umano ang ina ni Geronimo - na kilala umanong mahigpit sa kaniyang anak - sa sikretong kasal. 

Idinadawit si Guidicelli sa pagsapak sa bodyguard ni Geronimo na si Jerry Tamara. 

At sa isang Instagram post, muling nanindigan ang aktor na wala siyang pinagbuhatan ng kamay. 

Nagpasalamat siya sa mga nagpaabot ng suporta sa kanilang pag-iisang dibdib ni Geronimo. 

"That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never 'punched' anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family. I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family," aniya sa post. 

Ayon kay Guidicelli plano nilang magkaroon ng engrandeng church wedding kapag humupa na ang lahat. Pero tikom siyang magbigay ng iba pang detalye. 

"One day, once everything settles down," aniya. 

Tiniyak din ni Guidicelli na masaya sila sa kabila ng mga dinanas na pagsubok sa mga nakalipas na araw. 

"To all the people giving us good vibes, we're all good, this is the happiest we have ever been," ani Guidicelli. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.