KILALANIN: Thai hunk actor na makakatambal ni Nadine Lustre sa 'Burado'

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 06:05 PM | Updated as of Feb 19 2020 09:17 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Denkhun (@denkhun__ngamnet) on

MAYNILA — Big Philippine TV break ang gagawin ng Thai actor na si Denkhun Ngamnet sa upcoming series na "Burado" kung saan itatambal siya kay Nadine Lustre. 

Pero sino nga ba ang Thai hunk actor na ito?

Kapapanalo lang ni Ngamnet bilang best actor in a supporting role sa 2019 Asian Academy Creative Awards.

Ito ay para sa kaniyang performance sa Thai series na "Krong Kam" o "Repercussion."

Sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment, ipinakita na ang ilang poster para sa serye. 

Bukod kina Lustre at Ngamnet, kasama sa Burado sina Julia Montes, Paulo Avelino, at Zanjoe Marudo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

May balita naman na kukunan ang serye sa iba't ibang bansa sa Asya. 
    

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.