OPM queens Regine at Sarah nagpasiklab sa kanilang 'Unified' concert

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 07:35 PM

MAYNILA — Sa unang pagkakataon ay nagsanib-puwersa sa concert stage ang OPM queens na sina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo sa kanilang 2-night concert na pinamagatang "Unified."

Pinamalas nina Sarah at Regine kung bakit dalawa sila sa mga pinakamatagumpay na singers ng bansa.

Dalawang oras tumagal ang concert kung saan kinanta nila ang kani-kanilang hits.

Siyempre, hindi kumpleto ang "Sarah G. experience" kung hindi niya kakantahin at sasayawin ang "Tala."

Ayon kay Regine, parang panganay na anak ang turing niya kay Sarah.

"Ang naaalala ko lang, ang galing-galing ni Sarah, she was so good tonight, she was incredible tonight," sabi naman ni Regine. 

Si Sarah naman, matagal nang bukambibig ang pag-idolo niya kay Asia's Songbird.

"Parang hindi totoo pa rin na nagsama na kami ni Ms. Reg sa concert. Mixed emotions kasi while we were performing on stage, hindi nawawala 'yung pagka-starstruck ko," kuwento ni Popstar Royalty. 

Panoorin dito ang ilang eksena sa "Unified" concert ng 2 reyna ng OPM: 

Watch more in iWant or TFC.tv

Taong 2003 nang magkasama ang dalawa sa isang singing competition kung saan host si Velasquez at nag-champion naman si Geronimo.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.