Muling pagtatanghal ng SB19 sa 'ASAP' trending sa Twitter

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 01:36 PM

Balik-‘ASAP Natin ‘To’ ang Pinoy pop group na SB19. ABS-CBN

MAYNILA — Patok sa netizens sa Twitter ang muling pagtatanghal ng Pinoy pop group na SB19 sa Sunday noontime variety show na “ASAP Natin ‘To.”

Todo-bigay ang grupo sa pagsayaw at pag-awit ng mga kantang “Bang Bang Bang” at “Fantastic Baby” ng sikat na Korean boy band na Big Bang.

Watch more in iWant or TFC.tv

Isa ang hashtag na #SB19BackOnASAP sa mga pumalo sa listahan ng Twitter top trends sa Pilipinas. Umani rin ng papuri ang pagtatanghal ng grupo mula sa mga netizen.

Nag-debut ang SB19 noong Oktubre 2018 sa pamamagitan ng kantang “Tilaluha” pero mas nakilala sila sa kanilang ikalawang kantang “Go Up.”

Sinanay ang grupo ng Philippine branch ng ShowBT, isang Korean entertainment company.

Ang SB19 din ang kauna-unahang Pinoy group na napabilang sa Next Big Sound chart ng music publication na Billboard, na sumusubaybay sa mabilis na pagsikat ng mga artist sa mga music website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.