Maja nagsalita tungkol sa pagiging malapit nina Joshua, Janella

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 12:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Blooming at inspirado si Maja Salvador nang magpa-interview sa showbiz media kamakailan.

Kahit natapos na ang hit teleserye niyang “The Killer Bride,” naitanong pa rin kay Maja ang kanyang death scene na pinag-usapan at nag-trending.

“Actually ni-request ko ‘yun na mamatay. Iyon pala, isa din sa gustong mangyari ng mga writers, ganun 'yung pupuntahan,” aniya.

Sa walang katapusang katanungan naman kung kailan magpo-propose ang boyfriend niyang si Rambo Nuñez, isa lang ang naging sagot ni Maja.

“Parang mawawala na ang moment na 'yun if ever man na sakaling magustuhang itanong ni Rambo kaya sini-save ko po ‘yun sa amin,” aniya.

Aminado si Maja na isa siya sa boto sa closeness ngayon nina Janella Salvador at Joshua Garcia na nakasama niya sa “The Killer Bride.”

“In fairnes doon sa dalawa, ang lalim talaga ng friendship na kahit ano pagtukso mo, talagang wala... And then nung party namin, siguro alam nilang maghihiwalay na, wala na kaming taping, so may extra sweetness,” aniya.

Hoping ang fans ni Maja na agad masundan ang projects niya na kanilang susuportahan. -- Ulat mula kay Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.