Facebook account ni Camille Prats, na-hack

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 03:05 PM

MAYNILA - Nananawagan ngayon ng tulong ang aktres na si Camille Prats matapos ma-hack ang kaniyang Facebook page. 

Sa isang Instagram post, nagbabala si Prats sa kaniyang fans na na-hack ang kaniyang Facebook page. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Camille Prats Yambao (@camilleprats) on

Humingi rin siya ng tulong na maipaabot sa Facebook ang kaniyang sitwasyon. 

"If you know anyone from Facebook who can help me report this or a tech guy who can help me recover it that would be awesome," aniya sa post. 

Nanawagan din siya sa mga fans na pansamantalang i-unlike o kaya i-block na muna ang kaniyang page habang inaayos pa ito. 

Sa ngayon, hindi pa umano nare-rekober ni Prats ang kaniyang page. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.