Janella Salvador, nag-react sa 'profile picture' entry ni Marlo Mortel

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Janella Salvador ang mag-react sa "profile picture" challenge entry ni Marlo Mortel.

Sa larawan na in-upload ni Marlo, makikitang naka-formal wear si Marlo at nakasuot ng wig na may bangs para sa category ng LinkedIn, Facebook at Instagram.

Pero pagdating sa Tinder ay picture ni Janella ang kanyang ginamit, kaya napatanong si Janella.

"EXCUSE ME bakit ako nadamay dito," ani Janella.

Matatandaang si Marlo at Janella ay unang nagtambal sa 2012 seryeng "Be Careful With My Heart."

-- Umagang Kay Ganda, Enero 29, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.