Alex Gonzaga, suportado ang pagba-vlog ng ateng si Toni

Jeff Fernanrdo, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2019 12:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagbigay-reaksiyon si Alex Gonzaga sa pagpasok ng kapatid na si Toni Gonzaga sa pagbi-video blog.

Nauna nang pinasok ni Alex ang vlogging at matagumpay siya sa aspetong ito ng kanyang career. 

Sa ngayon, mayroon siyang 2.7 million subscribers.

Ibinahagi ni Alex kung paano nagsimula ang kanyang ate sa pagba-vlog: "Ang tagal bago ko siya ma-influence, actually. Bigla na lang, one day, sinabi niya, 'Catherine, magba-vlog ako. May naisip na akong konsepto.'" 

Hindi naman threat si Toni sa audience ni Alex dahil magkaiba naman sila ng concept at pag-uusapan sa bawat entry.

"Never pa siyang nakita ng tao as a mother, 'yun. So 'yun lang, parang glimpse of pagiging mom niya. How to balance 'yung career niya with the sister, with being a wife," ani Alex.

At sa kanilang career bilang producers ng pelikula, pahapyaw ni Alex na mukhang may second project na sila ng kanyang ate.

"Feeling ko oo, feeling ko kasi nag-usap kami ni ate. So 'yung mga pagkakamali namin sa first film namin, parang puwede naming baguhin," aniya.

Active man online si Alex, looking forward pa rin siya sa project sa telebisyon at pelikula na hinihintay pa rin ng kanyang followers.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.