Karla Estrada, excited sa pagbabalik-serye ng KathNiel

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 03:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi maitago ni Karla Estrada ang kasiyahan sa muling pagtatambal ng kanyang anak na si Daniel Padilla at nobya nitong si Kathryn Bernardo para sa isang teleserye.

Kamakailan lang ay inilabas na ng ABS-CBN ang teaser ng "Tanging Mahal," ang aabangang serye kung saan muling bibida ang KathNiel love team.

Maliban sa isang bagong serye, magsasama rin ang dalawa sa isang bagong pelikula.

"Alam mo, nai-imagine mo, ako ang nanay eh kinilig ako. Saka excited talaga ako sa balik-teleserye at balik-pelikula ng KathNiel. Naku, abangan niyo," ani Karla sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes.

"Mami-miss lang natin sila nang kaunti kasi sa ibang bansa ang taping," dagdag niya.

Samantala, suportado rin ni Karla ang vlog ni Kathryn. Sa unang vlog ng Kapamilya star, ipinakita nito ang naging biyahe nila ng nobyong si Daniel sa Iceland.

"Minsan kapag naiisip natin parang ang tayug-tayog. Eto maganda talaga na gumagawa tayo ng vlog para abot-kamay tayo ng ating mga viewer at follower na talagang kami po ay tao rin na katulad niyo," pahayag ni Karla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.