'I don't need anyone': Nathalie Hart, nagbahagi tungkol sa lagay ng kanyang puso

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 03:37 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi pa bukas ang aktres na si Nathalie Hart para sa isang bagong pag-ibig.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, sinabi ni Nathalie na sa ngayon ay hindi niya kailangan ang isang bagong karelasyon.

"I'm happy. So no, thank you," ani Nathalie na ibinahaging maayos naman ang relasyon niya sa ama ng kanyang anak.

"Sa akin we are great friends. We talk every day. Parang ang labo, magulo... It's complicated, but I don't need anyone. Me, myself, and I. Thank you," ani Nathalie na iginiit na masaya siya na kasama ang kanyang anak na si Penelope.

Disyempre noong nakaraang taon nang aminin ni Nathalie na hiwalay na siya sa ama ng kanyang anak.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.