ALAMIN: Mga nakapilang proyekto ng KathNiel ngayong 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 06:50 PM | Updated as of Jan 20 2020 08:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Certified Kapamilya pa rin ang phenomenal box office couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos pumirma ng 3-year contract sa ABS-CBN News.

"Very happy and very thankful. 'Yong tiwala ng ABS sa amin nandoon pa rin and at the same time, 'yong tiwala namin sa ABS," ani Padilla.

Balik-eksena ang tambalan para sa isang pelikula at sa teleseryeng "Tanging Mahal."

"We're very excited kasi collaboration talaga 'yong nangyayari sa story, kung ano gusto namin, they're very open," ani Bernardo.

"It's gonna be something fresh," ani Padilla.

May bago ring pinagkakaabalahan si Bernardo sa pag-launch ng kaniyang YouTube channel na "Everyday Kath."

Nakakuha agad ang channel ng "Silver Play Button" o parangal ng YouTube para sa mga content creator na mayroon nang 100,000 subscribers.

"Kinikilig nga ako kasi siyempre, sobrang baguhan ko sa mundo na 'yan," ani Bernardo.

Kasado naman ang pelikula ni Padilla kasama si Charo Santos-Concio.

"It's about Yolanda... Iba 'yong feel [ng pelikula] so very exciting," ani Padilla.

Inamin din nina Padilla at Bernardo na napag-uusapan na nila ang planong pagpapakasal.

"Kaya nga tayo nagtatrabaho, kaya nga tayo pumirma ngayon dahil mayroon tayong kailangang asikasuhin for the future," ani Padilla.

"Napag-uusapan naman namin 'yun, 'yung sa future. Pero ngayon kasi, 23 pa lang ako and 24 siya. Tine-take advantage namin habang bata pa na magtrabaho for the future," dagdag naman ni Bernardo.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.