TINGNAN: Nitso na mukhang pakete ng chewing gum

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 03:19 PM | Updated as of Oct 26 2020 09:56 PM

Kuha ni Juancho Alberto Relleve

OAS, ALBAY - Atraksyon sa mga nagbibisita sa Oas Public Cemetery ang nitso ni Jose Relleve. Ngayong taon, ang paborito niyang chewing gum ang naka-pinta sa nitso niya.

Ayon sa anak na si Angelle, isa ang chewing gum na ito sa paborito ng kanyang ama noong nabubuhay pa.

Bata pa sila, palagi nang nasa bag ng kanyang ama.

Noong nakaraang taon brand ng paboritong chocolate ang naka-disenyo sa nitso.

Watch more in iWantTFC

Nagsimula noong 2013 nang magpapintura ng iba't-ibang mga brand na mga produktong paborito ng ama gaya ng brand ng sapatos, sasakyan, inumin, damit at pabango.

Watch more in iWantTFC

Dahil bawal ang pagbisita sa sementeryo simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19, maagang nagpapintura ang pamilya.

Magastos ayon sa pamilya, pero masaya sila sa regalo nila sa ama na namatay Marso, 2011.

Watch more in iWantTFC