Bangkay natagpuan sa bubong ng bahay sa Caloocan

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Sep 18 2020 06:42 PM

MAYNILA — Natagpuan nitong Biyernes ng umaga ang bangkay ng isang lalaki sa bubong ng kaniyang bahay sa Caloocan City. 

Nakilala ang lalaki na si Paul Martin Millanes, 22.

Batay sa mga nakausap ng ABS-CBN News, wala umano itong trabaho at madalas kasama ng mga kaibigan.

Ayon sa Caloocan police, itinawag sa kanila ng isang purok leader ang nakitang katawan sa bubong.

Sabi naman ng ama ng biktima, Linggo pa nang huli niyang naka-text ang anak.

Hinala niya, pinaslang ang anak noong Lunes dahil naaagnas na ang bangkay nang ito ay matagpuan. 

Patuloy naman ang imbistigasyon ng Manila police sa posibleng dahilan ng pagkamatay ng lalaki. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.