ALAMIN: Dagdag at bawas sa presyo ng petrolyo simula Disyembre 17

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2019 05:33 PM

MAYNILA — Magkakaroon ng dagdag at bawas sa ilang produktong petrolyo simula Disyembre 17, Martes.

Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:

  • Diesel → P0.30-P0.40/litro (taas)
  • Kerosene → P0.50-P0.60/litro (taas)
  • Gasoline → Walang galaw o P0.10 bawas

Tataas ang presyo ng diesel ng P0.30 hanggang P0.40 kada litro.

Pati kerosene ay madaragdagan din nang P0.50 hanggang P0.60 kada litro.

Samantala, posibleng mapako lang ang presyo o mabawasan ng P0.10 ang kada litro ng gasolina.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.