Lalaki natagpuang patay sa kaniyang hinukay na tambakan ng basura

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 05:49 PM | Updated as of Nov 16 2019 06:01 PM

Isang matandang lalaki ang natagpuang patay sa kaniyang hinuhukay sa Barangay Punta Mesa sa bayan ng Manapla, Negros Occidental. Inutusan umano ito na maghukay ng tambakan ng basura. Kuha ng Manapla Police Station

MANAPLA, Negros Occidental - Isang 60 anyos na lalaki ang natagpuang patay sa kaniyang hinuhukay na tambakan ng basura sa Barangay Punta Mesa sa bayan na ito Biyernes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, inutusan ang nasawi na si Nestor Esquilito ng isang Abner Jardeleza na maghukay ng tambakan ng basura. 

Ayon kay Jardeleza, nakita pa niya ang biktima na nag-aalmusal.

Pero nang hanapin niya ito para mananghalian, kaniyang nakita ang biktima na wala nang malay habang nakaupo sa ilalim ng hukay.

Walang umanong nakitang foul play sa insidente ang pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.