Gasolina may dagdag-presyo, diesel may rollback sa Nobyembre 19

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2019 05:45 PM

MAYNILA — Muling magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa susunod na linggo.

Ayon sa taya ng mga taga-industriya, magkakaroon ng rollback ang presyo ng diesel at kerosene habang may oil price hike naman ang gasolina.

  • Gasolina → P0.85-P0.95/litro (DAGDAG)
  • Diesel → P0.30-P0.40/litro (BAWAS)
  • Kerosene → P0.20-P0.30/litro (BAWAS)

Sa 7 linggong may rollback sa diesel, umaabot na ang kabuuang tapyas sa P2.30 habang pumapalo na sa P3 ang bawas sa kerosene.

Nagsimula ang serye ng bawas noong Oktubre 1.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.