Ilan pang LPG companies nag-anunsiyo ng taas-presyo sa Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Oct 31 2020 04:03 PM

ABS-CBN News/File Photo 

MAYNILA - Nag-anunsiyo na rin ng taas-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas ang ilang kompanya na ikakasa sa Nobyembre 1. 

Ang Phoenix LPG Philippines Inc. may taas-presyo na P3.20 kada kilo ng Super LPG. May P1.80 dagdag-presyo rin sila sa kada litro ng Auto LPG na epektibo alas-12:01 ng madaling-araw. 

May P2.84 kada kilong dagdag-presyo rin ang Solane na sisimulan alas-6 ng umaga ng Nobyembre 1. 

Una nang nag-anunsiyo ang Petron na magkakaroon sila ng taas-presyo sa LPG noong Biyernes. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.