Petron may dagdag-singil sa LPG sa pagpasok ng Nobyembre

ABS-CBN News

Posted at Oct 30 2020 06:07 PM

Mga LPG tanks ng Petron. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Magkakaroon ng dagdag-singil sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron.

Simula alas-12:01 ng hatinggabi sa Nobyembre 1, tataas nang P3.20 ang kada kilo ng kanilang LPG.

Samantala, nasa P1.79 ang dagdag-singil sa kada litro ng kanilang auto-LPG.

Ayon sa Petron, ito ay dahil sa pagtaas ng international contract price ng LPG para sa buwan ng Nobyembre.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.