#WalangTubig sa ilang lugar sa Las Piñas, Cavite ilang oras kada araw sa Nov. 1-21

ABS-CBN News

Posted at Oct 28 2020 06:41 PM | Updated as of Oct 28 2020 07:48 PM

Residents in Barangay Holy Spirit, Quezon City collect water from a tanker on September 6, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File


MAYNILA - Makararanas ang mga residente sa ilang bahagi ng Las Piñas at Cavite ng paghina ng pressure o kawalan ng tubig ilang oras kada araw mula Nobyembre 1 hanggang 21, base sa anunsiyo ng Maynilad ngayong Miyerkoles.

Ang nasabing kawalan ng tubig ay dulot ng isasagawang facility upgrade para sa enhanced earthquake resiliency ng PAGCOR Pumping Station sa Brgy. Tambo, Parañaque City, ayon sa Maynilad.

"Ang proyektong ito ay alinsunod sa layunin ng kumpanya na lalong mapabuti ang serbisyong patubig sa West Zone... Humihingi kami ng paumanhin sa abala. Salamat sa inyong pang-unawa.," ayon sa kumpanya.

Pinayuhan ng Maynilad ang mga apektadong kostumer na mag-ipon ng sapat na tubig sa mga oras na mayroong suplay sa kanilang lugar.

Handa rin daw ang Maynilad na magpadala ng water tankers sa mga apektadong lugar kung kinakailangan.

Narito ang mga lugar at oras ng pagkaantala ng daloy ng tubig simula Nobyembre 1 hanggang 21:

Maynilad
Watch more in iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.