Presyo ng diesel tatapyasan simula Oktubre 27

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2020 12:26 PM | Updated as of Oct 26 2020 04:02 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga oil firm ng bawas sa presyo ng diesel simula Martes, Oktubre 27.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, PTT Philippines, at Petron, P0.25 ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell, Seaoil, at Petron, ng P0.15 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina ngayong linggo.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-8:01 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.