#WalangTubig: Ilang barangay sa Rodriguez Rizal, Oktubre 22-23

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2020 10:17 AM

Residents in Sitio Kasiglahan, Brgy San Jose, Rodriguez, Rizal, fetch water while available, charging some residents for a fee, amid a water shortage in parts of Metro Manila and Rizal on World Water Day, March 22, 2019. Some residents are limiting the sale of water. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Ipinaalala ng Manila Water nitong Huwebes na magkakaroon ng water interruption sa ilang lugar dahil sa isasagawang pagsasaayos ng linya ng tubig sa M.H. Del Pilar corner C. Reyes, Brgy. San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Halong 14,000 kabahayan at negosyo ang maaapektuhan ng isasagawang pagkukumpuni simula 10 p.m. ng Oktubre 22 hanggang 6 a.m. ng Oktubre 23, ayon sa Manila Water.

Mga apektadong barangay:

  • San Rafael
  • Geronimo
  • San Rosario
  • Balite
  • San Isidro

Pinayuhan ang mga residente na mag-imbak ng tubig na sasapat sa kanilang pangangailangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.