#WalangTubig: Ilang lugar sa Mandaluyong, Las Piñas sa Oktubre 1-2

ABS-CBN News

Posted at Oct 01 2020 11:25 AM

Nag-abiso ang Manila Water at Maynilad sa kanilang mga kostumer mula Mandaluyong at Las Piñas na mag-ipon ng tubig dahil makararanas ng water service interruption ang ilang lugar simula gabi ng Huwebes, Oktubre 1.

Ayon sa Manila Water, simula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng Biyernes, Oktubre 2, mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Mauway, Malamig, Plainview, at Addition Hills sa Mandaluyong City.

Bunsod umano ito ng isang leak repair.

Samantala, ayon sa Maynilad, simula alas-9 ng gabi hanggang alas-7 ng umaga ng Biyernes, mawawalan ng tubig ang Barangay CAA, Manuyo Dos, Pulang Lupa, at Talon Uno sa Las Piñas.

Ang service interruption ay bunsod ng interconnection activity sa kahabaan ng CAA Road, kanto ng Casimiro Drive, ayon sa Maynilad.

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.