Presyo ng petrolyo muling tataas sa Setyembre 29

ABS-CBN News

Posted at Sep 28 2020 12:46 PM | Updated as of Sep 28 2020 04:42 PM

(UPDATE) Muling magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Setyembre 29, ayon sa abiso ng mga oil firm.

Ayon sa Petro Gazz, Shell, Unioil, Flying V, at Petron, P0.05 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina.

Magpapatupad din ang Shell, Flying V at Petron ng P0.45 taas-preyso sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga.

Nag-abiso naman ang Cleanfuel na walang magiging galaw sa kanilang mga presyo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.